Ngayong buwan ng Agosto, inilunsad ang buwan ng wika na may temang "Wika ng Pagkakaisa". Sa buwan na ito, may iba't ibang paligsahan na inilunsad ng Filipino club. Ang mga paligsahan ay may layunin na linangin ang mga mag-aaral sa paggamit ng wika at iba pang mga aspeto. Dahil dito, mas nauunawaan ng mga mag-aaral kung ano ba ang kahalagahan ng wika natin at kung paano ito gagamitin sa mas mabisang paraan.
Ang wikang Filipino ay dapat lang nating pahalagahan at gamitin. Ito ay nagsisilbing pundasyon natin sa pagkakaroon ng maayos at maunlad na bansa. Dahil kung hindi sa ating wika, hindi tayo magkakaintindihan, hindi mareresolba ang mga problema, at higit sa lahat, hindi tayo matatawag na isang bansa.

No comments:
Post a Comment